Iginagalang ng Philippine National Police (PNP) ang rekomendasyon ng Department of Justice Panel of Prosecutors na kasuhan ng graft si dating PNP Chief General Oscar Albayalde.
Kaugnay ito ng pagkakasangkot ni Albayalde sa mga umano’y ninja cops at pagre-recycle ng mga nasasabat na iligal na droga.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, nakatitiyak silang nabigyan ng patas na pagkakataon ng panel of prosecutors si Albayalde para mailahad at depensahan ang sarili.
Binigyang diin naman ni Banac na tiwala silang nananatiling inosente si Albayalde hangga’t hindi pa ito nahahatulan ng Korte.
Maliban kay Albayalde, pinakakasuhan din ang mga dati nitong tauhan na nagsagawa ng kontrobersyal na anti-illegal drugs operation sa Pampanga noong 2013 sa pangunguna ni Police Major Rodney Baloyo.