Hawak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang comprehensive report ng Presidential Anti-Corruption Commission o PACC na nagrerekomendang sibakin ang apat na cabinet secretaries.
Ito ang kinumpirma ni PACC Commissioner Greco Belgica matapos ang kanilang imbestigasyon sa apat na hindi pinangalanang kalihim dahil sa isyu ng katiwalian.
Magugunitang sinaway ni Presidential Spokesman Harry Roque si Belgica dahil sa paglalabas nito ng mga pahayag na nagbibigay kalituhan sa publiko.
Gayunman, nilinaw ni Belgica na sinusunod lamang nila ang utos ng Pangulo na imbestigahan ang sinumang opisyal ng gobyernong sangkot sa anumang uri ng korapsyon.
Kasunod naman nito, iginiit ni Roque na nasa kamay pa rin ni Pangulong Duterte ang pasya kung susundin nito o hindi ang rekomendasyon ng PACC at anumang pahayag na lumabas mula rito ay hindi opisyal na pahayag ng Palasyo.
—-