Kinumpirma naman ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Guillermo Eleazar na nasa kaniyang tanggapan na ang resolusyon ng PNP Internal Affairs Service (IAS).
Ito’y may kaugnayan sa rekumendasyon na tanggalin na sa serbisyo si P/Ssgt. Hensi Zinampan na bumaril at nakapatay sa singkuwenta’y dos anyos na ginang sa Fairview, Quezon City.
Ayon sa PNP Chief, daraan pa rin sa masuring pagrepaso ang resolusyon ng IAS bilang bahagi ng due process para sa mga pulis na akusado sa krimen.
But we are observing the due process para hindi tayo magkakaroon ng problema like dun sa mga ibang instances sa case report. Nakakapag appear sila hanggang civil service, but because of some technicalities, nare-reverse,” ani Eleazar
Pero pagtitiyak ni Eleazar na anuman ang kalalabasan ng gagawing pagrepaso, tiyak na mabibigyang hustisya ang pagkamatay ng ginang na si Lilibeth Valdez.
Meron kasing internally, merong review na ginagawa. We don’t want that the life of Zinampan, e magkaroon pa ng pagkakataon na mag-fade sa ating organisasyon,” ani Eleazar.