Humingi ng dalawang linggong palugit si Martial Law Administrator at Defense Secretary Delfin Lorenzana upang makapagpasya kung irerekumenda nito kay Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin na ang idineklarang Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Lorenzana, nais muna niyang makita ang tunay na sitwasyon sa Marawi City maliban pa sa hindi kumpleto ang mga impormasyong nakararating sa kaniya upang pagbatayan sa nasabing rekumendasyon.
Bagama’t malaking bahagi na aniya ng Marawi City ang nabawi ng militar, kailangang makatiyak na wala nang animang panganib ang naka-abang sa mga residente sa sandaling payagan na ang mga ito na makabalik sa kanilang tahanan.
Binigyang diin pa ni Lorenzana, nasa 1,500 pang kabahayan ang dapat sumailalim sa combat clearing operations o katumbas ng 70 bahay kada araw para matiyak na ligtas na ito para sa mga sibilyan.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Rekumendasyon para tanggalin ang Martial Law sa Mindanao pag-aaralan pa – DND was last modified: July 4th, 2017 by DWIZ 882