Umalma ang United Broilers and Raisers Association (UBRA) sa rekumendasyon ng Bureau of Animal Indsutry (BAI) na limitahan ang produksyon ng poultry sa bansa.
Ito’y upang magbigay daan umano sa pagpapataas ng bilang ng mga inaangkat na manok upang maibenta sa mga pamilihan sa gitna ng pandemya ng coronavirus diease 2019 (COVID-19).
Giit ni UBA president Elias Inciong, hindi uubrang pigilan ang produksyon ng manok sa bansa dahil maraming pilipino aniya ang tiyak na tatamaan ng matinding dagok.
Hindi rin aniya maaaring pigilan ang pag-aangkat gayundin ang paglalabas ng produkto sa Pilipinas salig na rin sa umiiral na kasunduang pinasok ng bansa sa World Trade Organization.
Pero sagot naman ng Department of Agriculture, hindi totoo na inutusan nito ang mga lokal na poultry raisers na limitahan lang kanilang produksyon.