Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbabalik na sa normal ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng China.
Sa kanyang talumpati kahapon sa People’s Day sa Socorro, Oriental Mindoro, pinamamadali na ng Pangulo sa mga magsasaka ng pinya at saging ang kanilang produksyon dahil nais na itong bilhin muli ng China.
Magugunitang nagpatupad ng ban ang China noong nakalipas na administrasyon bunsod na rin ng sigalot ng dalawang bansa sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Gayunman, nilinaw ng Pangulo na hindi nangangahulugan ng magandang pakikitungo ng Pilipinas sa China ang pagsusuko sa mga pinag-aagawang teritoryo.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
US
Samantala, inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na kinumpronta niya si US Ambassador to the Philippines Sung Kim nang magkita sila sa Panacan, Davao City kamakailan.
Partikular na kinuwestyon ng Pangulo ang kawalang aksyon ng Amerika nang simulan ng China ang pagtatayo ng mga artipisyal na isla sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala | Report from Aileen Taliping (Patrol 23)