Inamin ng isang Chinese diplomat na kritikal na naman ang relasyon ng China At Pilipinas.
Ayon kay Chinese Vice Foreign Minister Liu Zhenmin, lumalala ang relasyon ng dalawang bansa dulot pa rin ng alitan sa South China Sea.
Gayunpaman, umaasa ang China na makapag-uusap ang dalawang bansa upang maplantsa ang nasabing gusot.
Una nang sinabi ni dating Pangulo at kasalukuyang special envoy to China Fidel Ramos na nais ng Pilipinas ng isang pormal na negosasyon sa China upang talakayin ang mga bagong paraan at daan tungo sa kapayapaan at pagtutulungan nila.
By: Avee Devierte