Umaasa ang Malakaniyang na mananatili ang magandang relasyon ng Pilipinas at Amerika sa ilalim ng bagong administrasyon ni US President Joe Biden.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasunod ng inagurasyon ni Biden bilang ika-46 na Presidente ng United States of America.
Kasabay nito, nagpaabot ng pagbati si Roque sa bagong Pangulo ng Estados Unidos.
Hangad aniya nito na magpapatuloy ang magandang relasyon ng Pilipinas at Amerika.