Kumpiyansa si House Speaker Martin Romualdez na mas magiging matatag pa ang relasyon ng Amerika at Pilipinas matapos ang pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa bansa.
Ayon kay Romualdez, isang “welcome development” ng bansa palalakasin nito ang alyansa, ugnayan at relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Kumpiyansa naman ang kinatawan ng unang distrito ng Leyte na pag-aaralang mabuti ng Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang mga security alliance sa pagitan ng dalawang bansa.
Naniniwala rin ang kongresista na malaki ang magiging ambag ng mga nasabing alyansa sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines, climate action at energy security at digitalization. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla