Naniniwala si dating Budget Secretary Ben Diokno na mahalagang maisalba ang relasyon ng Pilipinas at ng China.
Sinabi ni Diokno na ito ay dahil napakalaki ng ekonomiya ng China at tiyak na makakaapekto din ito sa ating ekonomiya.
Maliban dito, sinabi din ni Diokno na ang malaking pondo na inilalaan para sa depensa ay maari pa mabawasan at magamit sa ibang programa ng pamahalaan katulad ng sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura o kaya ay sa edukasyon.
“Dapat natin talagang pagtuunan ng pansin ‘yung relationship natin with China, kapitbahay natin ‘yan, napakalaki ng impluwensiya niyan sa world economy, ngayon napakalaki ng nilalaan mo sa militar, kailangan kang mag-modernize ng Armed Forces mo, you’re creating enemies eh.” Pahayag ni Diokno.
Foreign Direct Investments
Ipinaliwanag din ni dating Budget Secretary Ben Diokno, na ang tunay na sukatan ng magandang ekonomiya, ay ang pagtaas ng Foreign Direct Investments (FDI) o ang bilang ng mga dayuhang nag-nenegosyo sa bansa.
Sinabi ni Diokno na maliban sa mga numero o credit rating, ang maglalarawan ng tunay na katatagan ng ekonomiya ay ang pagtitiwala ng mga foreign investors sa bansa.
Kasama aniya sa mga dahilan kung bakit bumababa ang Foreign Direct Investments ng Pilipinas ay dahil sa mahal pero hindi stable na suplay ng kuryente.
“Are we attracting foreign direct investement?, kahit anong sabihin mo bumabagsak nga yung FDI natin, wala pa ring kumpiyansa ang mga foreign investors sa Pilipinas, they would rather go to Vietnam, Malaysia, Indonesia, Thailand, ofcourse Singapore rather than the Philippines.” Pahayag ni Diokno.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit