Tinawag na nakababatang kapatid ng China ang Pilipinas sa kabila ng iringan ng dalawang bansa sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ang nilalaman ng naging pahayag ni Chinese President Xi Jinping kasunod ng pagtanggap nito kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang state visit sa Beijing.
Sa talumpati ni President Xi sa Great hall of the People, sinabi nito na napakahalaga ng pagdalaw ni Pangulong Duterte sa kanilang bansa na aniya’y magdadala ng higit pang pakinabang sa Pilipinas at China.
Binigyang diin pa ng Chinese President, mas matagal at malalim ang naging relasyon ng Pilipinas at China kung ikukumpara sa mga western countries tulad ng Amerika at Europa.
Una nang sinabi ng Pangulong Duterte na mabubuksan lamang ang usapin hinggil sa agawan ng teritoryo sa nasabing karagatan kung ang China mismo ang magbubukas nito.
By: Jaymark Dagala