“Japan and the Philippines are now experiencing an excellent relationship – we call it the golden age. I look forward to working with President Marcos to take these bilateral relations to even new heights.”
Ito ang naging pahayag ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida ukol sa relasyon ng Pilipinas at Japan matapos ang bilateral meeting nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Matatandaang bumisita ang Japanese Prime Minister sa bansa para sa two-day official visit nito mula November 3 to 4, 2023.
Para kay Prime Minister Kishida, successful ang naging pagpupulong nila ni Pangulong Marcos Jr. Maraming nilagdaang key agreements sa pagitan ng dalawang bansa. Kabilang dito ang Memorandum of Cooperation on Mining Sector ng Department of Environment and Natural Resources at Japan Ministry of Economy, Trade, and Industry. Sa ilalim ng naturang memorandum, ipagpapatuloy ang kooperasyon para sa sustainable development ng mining at mineral resources ng dalawang bansa.
Nilagdaan din ang Memorandum of Cooperation in the Field of Tourism sa pagitan naman ng Department of Tourism at Japan Ministry of Land, Infrastructure, Transport, and Tourism na magpapalakas sa kooperasyon sa turismo ng Pilipinas at Japan. Matatandaang isa sa favorite travel destinations ng mga Pilipino ang Japan, habang Japan din ang isa sa mga nangungunang pinagmumulan ng mga turista sa Pilipinas.
Bukod sa mga ito, nagkaroon din ng Exchange of Notes sa Official Security Assistance. Dito, magbibigay ng security grant ang Japan na nagkakahalaga ng 600 million Japanese yen o higit 235.5 million pesos sa pamahalaan ng Pilipinas upang makakuha ng coastal radars para sa Armed Forces of the Philippines. Higit nitong pahuhusayin ang military capacity at defense ng bansa.
Samantala, pirmado na rin ang Exchange of Notes on the Non-Project Grant Aid for the Acquisition of Construction Equipment for Road Network Improvement/Implementation and Disaster Quick Response. Ang nasabing grant na nagkakahalaga ng higit sa $6 million ay lubos na makakatulong sa pagbabawas ng epekto ng baha na pinalala ng climate change sa Bangsamoro region.
Tiniyak din ni Prime Minister Kishida ang patuloy na suporta ng kanyang pmahalaan sa public-private infrastructure developments ng Pilipinas na in line sa Build Better More policy at smart agriculture and renewable energy adoption ng administrasyong Marcos.
Itinuturing na important milestone sa Strategic Partnership ng Pilipinas at Japan ang pagbisita ni Prime Minister Kishida sa Pilipinas. Ayon nga kay Pangulong Marcos Jr., “Japan has provided us steadfast support and unwavering friendship through many decades. With patient and undistracted focus, we are building our realm of freedom, prosperity, and security together in the Indo-Pacific.”
Dahil sa mga naging kasunduan ng Pilipinas at Japan, inaasahang mas lalawak pa ang economic relations sa pagitan ng dalawang bansa sa mga darating na panahon.