Lalo pang pinaigting ng Pilipinas ang relasyon sa bansang Monaco sa pagbisita sa bansa ni Prince Albert II.
Sa joint statement nina Pangulong Benigno Aquino III at Prince Albert sa Malacañang, sinabi ni PNoy na naging makabuluhan ang kanilang talakayan kung saan nagkasundo na palawakin pa ang cooperation of mutual concern.
Sinaksihan ng dalawang lider ang paglagda sa framework agreement for cooperation na magpapaigting sa usapin ng economic, scientific at humanitarian partnership.
Sinamantala rin ng Pangulo ang pasasalamat kay Prince Albert sa mga tulong na naibigay sa bansa lalo na noong manalasa ang bagyong Yolanda.
Sa panig naman ni Prince Albert, nagpapasalamat ito sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pilipino.
Bukas aniya ang kanilang bansa upang mapaigting pa ang kooperasyon at pagtutulungan ng dalawang bansa lalo na ang isyung pangkalikasan para na rin sa kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)
Photo Credit: govph