Nilinaw ni Senate President Koko Pimentel na hindi loyalty check ang pakikipaghapunan nila kay Pangulong Rodrigo Duterte kamakalawa ng gabi.
Ayon sa Senate President, layon lamang ng nasabing hapunan na mailahad ng Pangulo sa mga Senador ang mga mahahalagang usaping pambayan at ilang ulat mula sa intellegence community.
Katunayan, sinabi ni Pimentel na dadalasan pa nila ang ganitong uri ng mga pagtitipon upang lalong maging matibay ang relasyon sa pagitan ng Senado at ng Malakaniyang.
Sa panig naman ni Senador JV Ejercito, sinabi nito na kabilang sa mga tinalakay sa naturang hapunan ang isang intell report na nag-uugnay kay Senadora Leila de Lima sa illegal drug trade.
Tinalakay din sa nasabing pulong ang iba pang mga priority bills ng ehekutibo tulad ng emergency powers sa trapiko, tax reform package ng administrasyon na nais na mabigyang atensyon ng lehislatura.
By: Jaymark Dagala