Pangalagaan ang pagkakaibigan ng Pilipinas at China.
Ito ang mensahe ni Chinese Ambassador Huang Xilian para sa Pilipinas sa kanyang talumpati sa ika-73 Anibersaryo nang pagkakatatag ng People’s Republic of China.
Ayon kay Huang, dapat maayos ng Pilipinas at China ang differences o pagkakaiba ng mga ito at humanap ng mapayapang solusyon sa pamamagitan ng friendly consultations para sa mas magandang relasyon ng dalawang bansa.
Binigyang diin ni Huang na handa ang China na makipag tulungan sa Pilipinas upang magkatuwang na maipatupad at sundin ang blueprint tungo sa aniya’y bagong “golden era” sa bilateral relations.