Ang relasyon ng Amerika sa Pilipinas ay isa sa mga pinakamahalaga at maituturing na matatag sa asia Pacific Region
Binigyang diin ito ni Molly Koscina, press Attaché ng US embassy
Kasunod na rin ito ng banta ng Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin na ang EDCA at VFA
Sinabi ni Koscina na hindi pa sila opisyal na kino kontak ng Philippine authorities kaugnay sa mga naging pahayag ng Pangulong Duterte
Dapat lamang aniya nilang ituon ang relasyon ng Amerika sa Pilipinas at tinitiyak aniya nilang patuloy silang makikipag ugnayan sa bansa sa anumang paraan para na rin sa kapakinabangan ng dalawang bansa
By: Judith Larino