Kumbinsido si Professor Prospero de Vera, isang political analyst na walang epekto sa katayuan ng Pilipinas sa ASEAN o Association of Southeast Asian Nations at sa relasyon nito sa Estados Unidos ang panibagong bira ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika na harap-harapan nyang ginawa sa pulong ng ASEAN at US President Barack Obama.
Matatandaan na sa pulong ng ASEAN, inilabas ng Pangulo ang larawan ng mga Pilipinong pinatay ng mga Amerikano noong panahong sinakop nila ang Pilipinas.
Ayon kay de Vera, laging mas mahalaga sa relasyon ng bawat bansa ang interest ng bawat isa tulad ng partnership sa negosyo at marami pang iba.
Bahagi ng pahayag ni Professor Prospero de Vera
By Len Aguirre | Ratsada Balita