Nanganganib magkalamat ang relasyon nila Pangulong Rodrigo Duterte at ng partido komunista ng Pilipinas.
Ito’y makaraang payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paghihimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Ayon kay dating Bayanmuna Rep. Satur Ocampo, hindi nila kakayaning makipagkasundo kung malaki ang impluwensya ng mga Marcos sa kasalukuyang pangulo ng bansa.
Bagama’t magkaisa sila ng pangulo sa mga usaping pambayan tulad ng endo at peace process, prinsipyo anila ang kanilang pinaiiral sa usapin ng Marcos burial kaya’t hindi nila ito kayang ikompromiso.
By Jaymark Dagala