Itinanggi ng Kapamilya star na si Angelica Panganiban ang mga tsismis na hiwalay na sila ng boyfriend na si John Lloyd Cruz.
Ayon sa talent manager na si Ogie Diaz, inamin ni Angelica na sila pa rin ni Lloydie taliwas sa mga naglabasang ulat.
Una ng kumalat ang break-up issue nang sabihin umano ng entertainment reporter na si MJ Marfori sa radio host na si Mo Twister na may relasyon sina Cruz at “A Second Chance” co-star Bea Alonzo.
Gayunman, sa PEP o Philippine Entertainment Portal report kahapon ay nilinaw ni Marfori na “misquoted” lamang siya ni Mo.
Magugunitang itinanggi rin ng aktor noong Disyembre ang mga ulat na hiwalay na sila ng Pangako Sayo star at nilinaw na kapwa lamang sila busy dahil sa kani-kanilang mga project.
By Drew Nacino