Pinatunayan ng magkarelasyong sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban na going strong pa rin sila sa kabila ng chikang on the rocks ang kanilang relasyon.
Sa katunayan, nag-celebrate pa nga ang dalawa ng kanilang third year anniversary.
Makikita sa post ni Angelica na masaya nilang pinagsaluhan ang simple ngunit full of love ika nga na spam and cheese sandwiches para sa kanilang anniversary breakfast.
Bago ito ay makikita rin ang dalawa na magkasamang nag-agahan sa isang restaurant last week.
Umaasa ang dalawa na matutuldukan na ang anuman negatibong isyu sa kanilang relasyon.
By Rianne Briones