Tila mas tumibay at lumalim pa ang relasyon nina Carla Abellana at Tom Rodriguez
Ito ay matapos ang biyahe nina Carla at Tom sa Rome, Italy kasama ang pamilya ng aktres.
Masayang masaya sina Carla at Tom sa kanilang pamamasyal sa iba’t ibang bahagi ng Rome at kabilang sa kanilang napuntahan ang dalawa sa sikat na tourist destinations na Trevi Fountain at The Colosseum.
Siyempre pa, sweet na sweet sina Carla at Tom at hindi talaga mapaghiwalay sa nasabing biyahe na makikita sa kanilang mga social media accounts.
By Judith Larino