Tila mas pinatunayan nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na nananatiling matibay ang kanilang relasyon.
Ito ay matapos mag-viral ang kanilang mga Valentine photos na nagpasaya naman at nagbigay ng good vibes sa mga netizen.
“That’s the whole purpose of love. The whole purpose of love is for everybody to be happy. There’s no reason, there’s no touch of negative vibes. It’s all about good vibes and making people happy. We are happy, you are happy, everybody’s happy. That’s the most important thing,” Pahayag ni Matteo.
Sa larawan makikitang kasama ng couple ang nakababatang kapatid ni Matteo sa kanilang date.
Ayon kay Matteo, close si Sarah sa kanyang pamilya at boto ang mga ito sa dalaga.
Sa dami ng projects ngayon ng aktor ay nagpapasalamat aniya siya sa mga blessing na dumadating sa kanya at sa buong suporta na ibinibigay sa kanya ni Sarah.
Ilan sa mga project ni Matteo ay ang kakasimula pa lang na ‘Dolce Amore’ starring LizQuen love team, indie film na ‘Tupang Ligaw’, at nagpo-promote din ito ng kanyang sariling album.