Hindi mababalewala ang relasyon ng Pilipinas at Amerika para masira ang pagkakaibigan matapos ang matinding pagmumura ng Pangulong Rodrigo Duterte kay US President Barack Obama
Binigyang diin ito ni Senate President Koko Pimentel na nagsabi ring bahagi na ng karaniwang pananalita ng Pangulo ang minsang pagmumura
Sinabi ni Pimentel na hayaang na lamang magpakatotoo si Duterte at huwag nang ipag alala ang mga salita nito
Sakali mang magkaruon ng kaunting lamat ang relasyon ng dalawang bansa, ipinabatid ni Pimentel na madali naman itong maaayos dahil matagal na at matatag ang ugnayan at pagtutulungan ng Pilipinas at Amerika
Kumporme si Pimentel sa pagmamatigas ng Pangulo na huwag magpaliwanag kay Obama o kanino man hinggil sa pagpapahalaga sa human rights dahil hindi ito obligasyon ng Pangulo
By: Judith Larino / (Reporter No. 19) Cely Bueno