Mas naging personal ang relasyon ng Pilipinas at Japan sa katatapos na pagbisit ni Prime Minister Abe sa ating bansa.
Ito ang binigyang diin ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Asec. Charles Jose sa programang Karambola.
Kasunod ito sa pagbisit sa bansa ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe.
Idinagdag ni Jose na ‘unusual’ man na maituturing ang pagbisita mismo ni Abe sa bahay ni Pagulong Rodrigo Duterte sa Davao City, sinabi nitong pagpapakita lamang ito na nasa ‘personal level’ ang relasyon ng dalawang lider na aniya’y mas nakakatulong sa magandang tinginan ng dalawang bansa.
Ayon kay Jose, malaki ang pagkakapareho ng Japan at Pilipinas pagdating sa strategic interest.
Aniya isang halimbawa ang pagsuporta ng Japan sa pakikipag-kaibigan ng Pilipinas sa China sa kabila ng isyu sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
“Ang approach ng ating administration ngayon with China is pragmatic at sine-set aside ang contentious issue, at tumutok muna sa trade, investment and tourism na malaking tulong sa maintenance ng peace stability sa region, and that also benefits Japan”, pahayag ni Jose.
Binaggit din ni Jose na malaking tulong para sa Pilipinas ang financial aid na ipinangako ng Japan para sa paglago ng teknolohiya at investment sa bansa partikular.
“Kung 8 Billion dollars ang Official Development Assistance (ODA) ng Japan, that would be a significant increase, if I’m not mistaken noong nakaraang taon nasa 0.6 Billion ang ODA ng Japan kabilang na ang grant at loan portion”, ani Jose.
By: Aiza Rendon