Pinamamadali na ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang paglalabas ng National ID para sa mga Pilipino.
Sa naganap na impromptu press briefinig ni Marcos kahapon sa BBM headquarters sa Mandaluyong City, sinabi ng susunod ng Pangulo na nakukulangan siya sa 12 milyong National ID cards na naipalabas na ng Philippine Statistics Authority.
10% pa lang kasi ito ng populasyon ng bansa na nakatatanggap ng identification cards.
Sakaling makumpleto, sinabi ni BBM tulong ang National ID cards lalo na sa paglipat ng Pilipinas sa digital system.
Noong 2020 unang sinimulan ang paggawa ng National ID o ang Philsys ID na planong gamitin ng gobyerno sa pamamahagi ng ayuda sa gitna ng COVID-19 pandemic.