Dinala na sa Tabuk City, Kalinga ang relic ni St. Therese of the Child Jesus.
Sinalubong ng mga miyembro ng Tactical Operations Group 2 ng Philippine Air Force Sa Cauayan Air Station ang relic at isinakay military aircraft mula Villamor Air Base, Pasay City.
Umaasa naman ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP) na sa pagbisita ng nasabing religious article ay mas titibay ang pananampalataya ng mga katoliko.
Bibisita ang relic ni St. Therese sa 54 na diocese sa Pilipinas bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng simbahang katolika ng Synod of Synodality. -sa panulat ni Hannah Oledan