Ninakaw ang relic ni Saint John Paul II sa Cologne Cathedral, Germany.
Kinumpirma ng German Police na isang deboto ang nakapansin na nawawala ang piraso ng tela na may patak ng dugo ng dating Santo Papa at agad inalerto ang mga opisyal ng simbahan.
Nakalagay ang relic sa isang glass container sa paanan ng imahe ni Pope John Paul II na nagsilbing leader ng Simbahang Katolika mula 1978 hanggang sa kanyang kamatayan noong 2005.
Bagaman mababa ang halaga ng nabanggit na relic kung ibebenta, mas matimbang naman ang spiritual value nito.
Inaalam na ng pulisya kung sino ang mga taong huling nakita sa katedral at kung mayroong CCTV camera.
By Drew Nacino