Nakatakdang bumisita sa kauna-unahang pagkakataon sa bansa ang incorruptible heart relic ni St. Padre Pio.
Ayon kay Fr. Joselin Gonda, Rector ng National Shrine of Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas, darating sa bansa ang relikya ni Santo Padre Pio sa Oktubre 6 na tatagal hanggang 26.
Naka-planong ilibot ang relikya ni Santo Padre Pio sa Maynila para sa Luzon, Cebu para sa Visayas at Davao para sa Mindanao na tatagal ng tig-tatlong araw.
Binigyang diin ni Fr. Gonda, magiging makabuluhan ang pastoral visit ng relic sa Simbahang Katolika ngayong ipinagdiriwang ang taon ng mga pari at relihiyoso.
—-