Patuloy parin sa pamamahagi ng relief assistance ang Philippine Coast Guard para sa mga pamilyang sinalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Sa datos ng PCG, umabot na sa 1,218.4 na tonelada ng relief goods ang naibiyahe ng PCG vessels at air assets habang 594 na tonelada naman ng iba’t ibang suplay ang naipadal ng PCGA aircraft at private vessels
sa ngayon, pumalo na sa mahigit 1,812 na tonelada ng relief goods at critical supplies ang naipamahagi na ng ahensya katuwang ang ibat-ibang lokal na pamahalaan para sa rehabilitasyon ng mga probinsyang pinadapa ng bagyo. —sa panulat ni Angelica Doctolero