Pinaiimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang pagtulong o relief efforts ni Vice President Leni Robredo sa gitna ng umiiral na state of emergency dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ipinasisilip ni PACC Commissioner Manuelito Luna ang anya’y posibleng illegal solicitations ni Robredo at direktang pakikipagkompetensya nito sa pamahalaan para maliitin ang pagtugon ng administrasyon sa krisis na dala ng COVID-19.
Ayon kay Luna, posibleng nalalabag ni Robredo ang NDRRMC Law, Solicitation Permit Law at ang protocols ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Tinukoy ni Luna ang paglalaan ni Robredo ng shuttle buses para sa frontliners, dormitoryo para sa health workers, pamamahagi ng PPEs sa mga ospital at iba pa.