Iginiit ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na hindi masasayang ang mga food packs na nakalaan para sa mga nasalanta ng bagyo sa mga lalawigan sa bansa.
Ayon kay DSWD Usec. Edu Punay, layunin ng kanilang ahensya na maiwasang umabot sa expiration date at maiwasang masira ang mga pagkaing ipinamimigay tuwing may banta ng kalamidad.
Iginiit ng opisyal na, maingat nilang sinusuri ang bawat produktong kanilang inilalagay sa bawat relief packages para hindi ito masayang.