Nananawagan si Senador Ferdinand Bongbong Marcos sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na sana ay makarating sa tamang oras ang relief goods para sa mga biktima ng bagyong Nona.
Ayon kay Marcos, hindi na dapat maulit ang mga nabulok at itinapon lamang na mga bigas at iba pang relief goods para sa mga biktima ng super typhoon Yolanda.
Sinabi ni Marcos na obligasyon ng gobyerno na kaagad maihatid ang mga kinakailangang tulong sa mga biktima ng kalamidad.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)