Sinamantala ng mga sundalo at social workers ang magandang panahon para magkapaghatid na ng relief goods sa mga nasalanta ng Bagyong Ompong na nakatira sa liblib na bahagi ng Benguet.
Kabilang sa nabigyan ng relief goods ng Philippine Air Force at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay ang mga residente ng Sitio Uling, Bantik at Lawigen sa Barangay Dalupirip sa Itogon.
Kasabay nito, nilinaw ng mga otoridad na matagal nang nakahanda ang mga ayudang ibibigay sa mga nasabing residente.
Ngunit dahil umano sa mga dadaanan na nasira din ng Bagyong Ompong ay nahirapan ang mga ito na ipamahagi ang tulong sa mga residente.