Nakaumang na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maipamahagi ang relief goods sa mga residenteng maaapektuhan bagyong Nona.
Ipinabatid ni DSWD Secretary Dinky Soliman ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa mga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyo para sa distribusyon ng food packs.
Ayon kay Soliman, nasa halos 270,000 family food packs na ang naka-preposition sa regions 4A, 4B, 5 at 7.
Handa na rin aniya ang P185 million pesos na halaga ng food at non-food items sa mga field offices sa CALABARZON, MIMAROPA, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas at Metro Manila.
Naka standby naman sa DSWD National Resource Operations Center ang halos 140,000 food packs bilang dagdag tulong sa mga rehiyong posibleng maapektuhan din ng bagyong Nona.
Sinabi pa ni Soliman na naglaan na ang gobyerno ng mahigit P600 milyong pisong standby fund para sa mga maapektuhan ng bagyo partikular sa imprastruktura at agrikultura.
By Judith Larino