Siniguro ng Department of Social Welfare and Development (DSWD-Bicol) ang pamimigay ng relief goods sa mga lokal na pamahalaan na apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Mary Gizelle Mesa, Spokesperson ng DSWD-Bicol, may nakahanda na ang ahensya na 31,092 family food packs sa iba’t ibang bodega.
Mayroon din aniyang 6.2M pesos halaga ng bigas, corned beef, sardinas, kape, at iba pa para sa repacking ng karagdagang family food packs.
Samantala, sinabi ni Mesa na maaga ang ginawa nilang preparasyon ng relief goods upang masiguro na makakapaghatid agad ng tulong sa mga apektadong pamilya.