Pinangangambahang magkulang ang relief items na inihanda ng pamahalaan para sa mga naapektuhan ng bagyong Tisoy.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, maaaring sa lawak ng sakop ng bagyo ay kailanganin ng mga apektadong rehiyon ang ayuda mula sa national government.
Pero magkakaroon naman aniya ng access sa calamity funds ang mga probinsyang magdedeklara ng state of calamity at intact pa ang nakalaang pondo ng DSWD at NDRRMC.
Paliwanag ni Timbal, ang importante ngayon ay maagang nakapaghanda ang Local Government Units at naka-standby agad ang relief goods sa mga inilikas na residente.
Nauna nang nagdeklara ang ng ‘state of calamity’ ang lalawigan ng Sorsogon matapos bayuhin ng bagyong Tisoy. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)