Hindi nakapagbigay ng mas maraming relief goods ang provincial government ng Catanduanes para sa mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Rolly.
Ayon ito kay Catanduanes Governor Joseph Cua dahil naibigay na nila ang karamihan sa mga relief goods bilang bahagi ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) response kaya’t kailangan nila ng tulong ng national government.
Ipinabatid pa ni Cua na 65% ng mga bahay na gawa sa light materials ay nasira, gayundin ang 20% ng mga bahay na gawa naman sa matitibay na materyales.