Nangangamba ang mga nagsilikas na residente ng Marawi City na magkaroon ng kakapusan sa mga ipinararating sa kanilang relief goods.
Ito’y dahil halos triple na anila ang presyo ng ilang pangunahing bilihin tulad ng bigas sa mga kalapit bayan ng Marawi na siyang sentro ngayon ng bakbakan sa pagitan ng militar at ng Maute terror group.
Ayon sa report, mula sa dating dalawang libong piso (P2,000) kada sako ng bigas, naglalaro na ngayon sa lima hanggang anim na libong piso (P5,000-P6,000) sa kabila ng umiiral na price freeze bunsod ng idineklarang Martial Law sa Mindanao.
Dahil dito, kumbinsido si ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao Assemblyman Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng Provincial Crisis Management Committee sa pangamba ng ilang residente kung hindi ito agad matutugunan.
By Jaymark Dagala
Relief goods sa Marawi pinangangambahang magkulang was last modified: June 3rd, 2017 by DWIZ 882