Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang sapat na suplay ng pagkain para sa mga pamilyang inilikas dahil sa bagyong Lawin.
Ayon kay Director Ninoy Castro ng DSWD Disaster Response and Management Bureau, tatlong araw bago ang bagyong Lawin ay naka-posisyon na ang food packs na para sa dalawang araw na konsumo ng lima kataong pamilya.
Sa ngayon anya ay naghahanda na sila para dagdagan ang food packs sakaling magtagal pa sa evacuation centers ang mga apektadong pamilya.
Sa paunang impormasyon ay aabot sa halos 4,000 pamilya ang inilikas sa may 136 na evacuation centers sa Cordillera Administrative Region at Regions 1,2 at 3.
Bahagi ng pahayag ni Director Ninoy Castro ng DSWD
By Len Aguirre | Ratsada Balita
Photo Credit: @dswdserves