TULOY-TULOY ang paghahanda ng relief packs ng BBM-Sara UniTeam para sa mga apektado ng bagyong Odette.
Ayon kay dating senador at presidential aspirant Bongbong Marcos, ilang araw nang nagre-repack ang mahigit isang daang volunteers sa mga warehouse para ihatid sa mga biktima ng kalamidad.
Nagpasalamat naman si BBM sa taos-puso at maagap na pagtugon ng mga donors at volunteers sa kanyang ikinasang relief mission sa mga nasalanta ng bagyo.
Bago pa man nag-landfall ang super typhoon sa bansa ay abala na ang tanggapan ni Marcos sa paghahanda ng mga relief goods.
Samantala, umaarangkada na ang mga convoy ng relief trucks na magpapaabot ng tulong sa mga apektadong lugar tulad ng Tacloban City, Surigao, Cagayan de Oro, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Samar, Leyte, Masbate, Bohol at Cebu.