Isang relief operation ang inorganisa ng mga estudyanteng Muslim at Kristyano para sa mga biktima ng nagpapatuloy na bakbakan ng mga tropa ng gobyerno at Maute-ISIS group sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ito’y bilang pagpapakita na sinuman ay handang tumulong kahit anong relihiyon ang kinabibilangan ng mga ito.
Sa ilalim ng “Tabang Sibilyan-Visayas” relief operations sa Caritas building ng Archdiocese of cebu, nangangalap ang mga estudyante ng iba’t ibang basic goods na ipadadala sa Marawi.
Katuwang ng mga Muslim at Christian student ang Armed Forces of the Philippines sa paghahatid ng relief goods.
By Drew Nacino
Relief operation inorganisa para sa mga biktima ng bakbakan sa Marawi City was last modified: June 4th, 2017 by DWIZ 882