Maraming kailangan ang mga residenteng lumikas mula sa bakbakan sa Marawi at para mas mabilis ang proseso ng pagdo-donate, bumuo na ang Red Cross ng package para sa mga ito.
Ayon kay Red Cross Chairman Senator Richard Gordon, ang non-food package ay nagkakahalaga ng isang libo at walumpung piso (P1,080) habang ang food at hygiene kits ay nagkakahalaga ng tig-isang libo at limampung piso (P1,050).
Nagbibigay na rin aniya sila ng psychosocial intervention sa mga lumikas na residente at kanila na rin inihahanda ang mga ipapadalang karagdagang portalet at shower.
“Sa non-food items I can give it to you for P1,080, isang libo ang bibigyan niyo, kung nasa kumpanya kayo, tig-iisang libo kayo 1 million yun di ba?, puwede namang isa-isa kayong magbibigay ipunin niyo ipadala niyo sa Red Cross ang pera at bibigyan naming kaagad ng non-food items yun , kung pagkain at hygiene kit ganun rin P1050, makakagawa tayo toothbrush, tuwalya at lahat ng kailangan nila pang-hygiene.” Pahayag ni Gordon
“Sa umpisa pa lang, may stress na yan, may mga trauma at yan ang isinasaayos ng Red Cross, psychosocial support, binibigyan natin sila ng tubig, non-food item, pagkain at yan ang pansamantalang inaasikaso.” Dagdag ni Gordon
Samantala, dinagdagan pa ng Philippine Red Cross ang kanilang mga tauhan para sa relief operations sa Marawi City.
Ayon sa Red Cross, kabilang ang Lanao del Norte at Iligan City sa mga lugar kung saan dinagdagan nila ang kanilang mga personnel.
Maliban sa first aide, pinapangunahan din ng Red Cross ang pagbibigay ng psychological support at pagtulong sa mga evacuees na mahanap ang kanilang mga nawawalang anak.
Samantala, tiniyak naman ng Red Cross na mahigpit ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad upang hindi madamay ang kanilang mga personnel sa kaguluhan.
By Katrina Valle | Karambola (Interview) | Ralph Obina
Relief operations ng Red Cross sa Marawi patuloy was last modified: May 30th, 2017 by DWIZ 882