Paunti-unti nang dumarating ang relief supplies sa Lalawigan ng Antique matapos ma-isolate dahil sa pagkasira ng ilang tulay dulot ng Bagyong Paeng.
Ayon kay Antique Provincial Risk Reduction and Management office chief Broderick “Boyet” Train, paspasan na ang pagkukumpuni ng DPWH sa mga nasirang tulay upang makatawid ang mga tao at mga sasakyan.
Natugunan na rin anya kahit paano ang kanilang problema sa supply ng krudo.
Gayunman, aminado si Train na labis ding kailangan ng kanilang mga kababayang magsasaka ang tulong mula sa Department of Agriculture.