Pormal nang inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang “ReliefAgad” mobile application.
Layon nitong mapadali ang sistema sa pamamahagi ng social amelioration program o SAP emergency subsidies.
Gamit ang app na ito, mas magiging madali para sa DSWD o LGUs ang pagkuha ng mga impormasyon ng social amelioration card at interface sa ano mang electronic system ng pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo.
Maaari namang magparehistro ang mga benepisyaryo at magpadala ng kanilang mga impormasyon sa LGUs o DSWD gamit ang naturang application.