Inanunsyo ng mga opisyal ng Cebu City na maaari nang isagawa muli ang lahat ng religious activities kasabay ng pagidiriwang ng ika-458 anibersaryo ng pista ng Santo Niño sa Enero 2023.
Ito’y matapos ang dalawang taong pagkakatigil ng mga religious celebration dahil sa COVID-19 pandemic.
Kabilang dito ang novena mass tuwing alas kuwatro ng umaga hanggang alas siyete ng gabi at ang Fluvial procession.
Sinabi naman ni Cebu City Councilor Philip Zafra na ibabalik na rin sa susunod na taon ang Sinulog Grand Showdown kung saan gaganapin ito sa unang pagkakataon sa South Road properties habang ang iba pang aktibidad ay isasagawa sa dating mga venues.
Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang Police Regional Office-7 sa lokal na pamahalaan hinggil sa pagpapatupad ng seguridad sa mga nasabing aktibidad. – sa panulat ni Hannah Oledan