Inaprubahan na ng Metro Manila Council (MMC) ang mga religious activities sa mga simbahan sa Holy Week.
Ayon kay MMC chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, payag ang mayorya ng mga alkalde sa Kalakhang Maynila na okupahan ang 50 percent ng seating capacity ng mga simbahan.
Gayunman, inihayag ni Olivarez na dapat tiyakin ng pamunuan ng iglesiya na nasusunod ang standard health protocols laban sa COVID-19.
Samantala, binigyang diin naman ni Olivarez na hindi nila papayagan ang mass gathering tulad ng prusisyon at iba pa sa Holy Week celebration mula Marso 28 hanggang Abril 4.