Hanggang 30% na lamang ang pinapayagang kapasidad sa mga religious gatherings.
Ito ang inihayag ng Malakaniyang matapos mapagkasunduan ng Inter Agency Task Force (IATF) na muling maghigpit sa mga pagkakatipon ng iba’t-ibang religious sector.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, epektibo sa April 4, kailangang i-obserba ang 30% na venue capacity sa mga religous gatherings sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ).
Gayunman, binibigyan pa rin ng discretion ang mga lokal na pamahalaan na taasan ang venue capacity ng hindi lalagpas sa 50% depende sa sitwasyon sa kanilang mga lugar.