Hindi nagdulot ng superspreader event ang pagbabalik sa limitadong kapasidad ng mga religious gathering sa bansa.
Ito ay ayon kay Catholic Bishop’s Conference of the Philippines o CPCP public affairs committee executives secretary Fr. Jerome Secillano, wala pang natatanggap na ulat na naging superspreader event ang muling pagsasagawa ng misa.
Nabatid na isang aktibidad ang isinagawa noong Enero sa Quiapo kung saan hindi naman ito nagdulot ng hawaan ng virus.
Magugunitang, sa ilalim ng alert level system, nasa sampung porsiyento lamang na venue o seating capacity ang pinapayagan at tanging fully vaccinated lamang ang maaaring makapasok sa loob ng simbahan.