Ipinagbabawal pa rin ang pagsasagawa ng mga religious gathering sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ).
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ang napagkasunduan matapos magpulong ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Disease at mga religious sector.
Magugunitang una nang kinonsulta ng IATF ang mga religious sector kung saan nagsumite ang mga ito ng kanilang mga suhestyon para sa health protocols.
Sa kasalukuyan, tanging mga lugar na nasa ilalim pa lamang ng modified GCQ ang pinapayagang magdaos ng religion gatherings.