Umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katolika na ipagpaliban muna ang iba’t ibang religious gathering at activities.
Bunsod pa rin ito ng tumataas na kaso ng COVID-19, partikular sa Metro Manila at upang maiwasan ang hawaan ng sakit.
Partikular na tinukoy ng Pangulo ang Traslacion 2022 na bahagi ng pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila sa linggo, Enero a -9.
Umaasa si Pangulong Duterte na maunawaan ng simbahan maging ng mga deboto ang sitwasyon lalo’t ang mga social at religious gathering ay maituturing na super spreader event.
Hinimok naman ni Health Secretary Francisco Duque III ang Simbahang Katolika at mga mananampalataya na dumalo na lamang sa pamamagitan ng online mass.